Delusional Fans ng AlDub Nagtitipon Para Sa 'Tamang Panahon'!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang pagtitipon ng mga umano'y die-hard fans ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza na kilala bilang AlDub.

May mga kumakalat umano ngayong mga video kung saan makikitang nagtitipon ang mga die-hard fans ng dalawa para sa tamang panahon. Naniniwala pa rin ang mga ito na totoong nangyari sa buhay nina Alden at Maine ang lahat ng nangyari sa kalye serye at naniniwala ang mga ito na bumubuo na ng pamilya ang dalawa.

Base sa mga kumakalat na video clip ngayon social media makikitang nagtitipon ang mga AlDub fans habang nakahawak ng sinindihang kandila at kumakanta. Ipinagdidiriwang umano ng mga ito ang 'Tamang Panahon'. Naniniwala din ang mga ito na totoong nagpakasal at nagkaroon ng anak sina Alden at Maine.

Maririnig din sa video ang sigaw ng mga ito na, “Mabuhay ang Aldub Nation. Mabuhay si Alden. Mabuhay si Maine. Mabuhay ang Aldub.”

Matatandaang sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza, sinabi ng huli na tila nahihirapan at napapagod na siya sa pagpapaintindi sa mga delusional AlDub Fans na walang katotohanan ang kanilang 'pamilyang binuo ni Alden' sa Eat Bulaga.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo