Deniece Cornejo Tumestigo Na Laban Kay Vhong Navarro Sa Korte!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Tumestigo na ang dating modelo na si Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro kaugnay sa inihain nitong petisyon sa korte.

Pumpunta mismo si Deniece Cornejo sa Taguig Regional Trial Court kasama ang kanyang abogado na si Howard Calleja. Si Deniece mismo ang ikatlong testigo ng kampo nila na magpapatunay umano na totoong hinalay ni Vhong Navarro ang dating modelo.

Matatandaang, naghain ng petition for bailing si Vhong Navarro sa kasong rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Kasalukuyang naka-detained si Vhong Navarro sa detention center ng NBI, matapos nitong sumuko sa NBI sa paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Kinakaharap ngayon ni Vhong ang mga kasong rape at act of lasciviousness na isinampa ni Deniece noong taong 2014. Kung saan ang kasong rape ay hindi maaring magpyansa.

Isasalang muli sa witness stand si Deniece Cornejo sa darating na huwebes November 10 para kanilang huling araw ng pagbibigay ebidensya ng prosecution laban kay Vhonng Navarro.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo