Derek Ramsay Sinabing Hindi 'Stepson' Ang Turing Kay Elias!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng pahayag ang aktor na si Derek Ramsay na kailanman ay hindi niya itinring bilang stepson ang anak ng kanuang asawa na si Ellen Adarna at Jhon Llyod Cruz.

Ipinagdiinan ni Derek na labis ang pagmamahal niya kay Elias at itinuring na niya ito bilang tunay na anak. Ginagawa rin umano nila ni Ellen ang lahat upang lumaki ng maayos si Elias na may paggalang at masunurin na anak.

“I hate using the word stepson. I think he’s my son,” ang pahayag ng aktor.

Nilinaw naman ni Derek na hindi siya nakikipag kompetensya kay Jhon Lloyd bilang biological father nito. Nais lamang umano niyang maramdaman ni Elias ang pagmamahal ng tunay na ama habang nasa puder nila ito ni Ellen.

“I don’t want to disrespect John Lloyd. He’s the biological father and I’m always going to be second best to John Lloyd. But I love him like he’s my own,” sey ni Derek.

Matatandaang, sa panayam ni Ogie Diaz kay Jhon Lloyd sinabi ng aktor na malaki ang pasasalamat niya kay Derek sa pagmamahal na ipinakita nito sa kanilang anak ni Ellen. Mas mabuti na rin umano na nakakasama ni Elias si Derek upang magkaroon naman ito ng father figure.

Samantala, kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sina Derek Ramsay sa Peru at asawang si Ellen upang icelebrate ang kanilang wedding anniversary.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo