Doc. Adam Smith Kinumpara Ang Mga Content Ng Filipino Vloggers Sa Mga Vloggers Sa Ibang Bansa! Mindless dumb pranks?

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng pahayag ang tagalog speaking Doc. Adam tungkol sa mga nagiging content ng mga Filipino vloggers.

Ayon sa kanya, ang karamihan sa mga Filipino contents ay mindless dumb pranks, puro tsismis at poverty porns. Taliwas naman umano ito sa mga content mula sa ibang bansa na tungkol sa mga makabuluhang bagay. Kagaya na lamang ng mga travel vlogs, foods, catching scammers at iba pa.

Aniya, “In other countries vloggers become famous for travel, food, commentating on topical issues, catching and debunking scammers, and science.”

Dagdag pa niya, "When will the Philippine audience learn to appreciate content that offers them value? When will Filipinos stop wasting their lives consuming rubbish, mindless and at times harmful vlogs?”

Umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga vloggers ang pahayag na ito ni Doc. Smith. Ayon kay Rendon Salvador na isa ring vlogger, let the people choose on what they wanted to watch. Hindi din umano nakokontrol kung ano ang gustong panoorin ng mga tao.

Bagkus, imbes na pilitin dapat ay magtrabahong maigo upang mabago ang nakasanayang mindset ng mga Pilipino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo