Doktor Inutusan Si Andrew Schimmer Sa Dapat Gawin Sa Asawang Si Jho Rovero!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Napapagod man tuloy parin ang pakikipaglaban ng pamilya Schimmer sa sakit ni Jorhomy Rovero.

Tila hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Andrew Schimmer na muling gigising ang kanyang asawa sa kabila ng pagiging comatose nito.

Ayon kay Andrew, nararamdaman pa rin umano niya na patuloy pa ring lumalaban ang kaluluwa at katawan ng kanyang asawa. Alam umano niya na nais nitong magising upang masilayan ang kanilang mga anak.

Muling humihiling ng tulong at dasal si Andrew para sa ikakabuti ng kalagayan ni Jho. Sa kabila ng hirap, umaasa si Andrew na malalampasan nila ang pagsubok na ito at muling bumalik sa dati ang kanyang asawa.

Samantala, pinayuhan naman ng mga doktor si Andrew na patuloy lamang nilang kausapin ang asawa. Ayon sa mga ito naririnig ni Jho ang lahat ng mga sinasabi nila rito. Mas makakabuti umanong kausapin nila ito ng mga bata upang mabigyan ng lakas at hindi sa susuko sa kabila ng anumang hirap.

Muling nagpapalamat si Andrew sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng tulong at dasal para sa kanilang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo