DonBelle Loveteam Ka-Level Na Ng KathNeil!?

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Mainit ngayon na pinag-uusapan ang usap-usapan na umano'y ka-level na ng DonBelle ang KathNeil. Sila rin umano ang dahilan kaya bumalik ang sigla sa mga local films ng bansa. 

May mga usap-usapan din na ang pelikula nilang 'An Inconvinient Love' ang tanging pelikulang pinilahan sa bansa sa unang araw ng showing. May nagbahagi pa ng larawan na kinuha mula sa pila ng nasabing pelikula.

“Ang DonBelle na sa umpisa pa lamang ay kinagigiliwan na at napakarami na nilang fans at kahit saang mall shows ganapin ang kanilang presence ay lahat dinudumog, mass based kasi sila. Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel in terms of palakasan pagdating sa mall shows?” sabi ni Ogie na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada USA ngayon.

Ipinakita rin ni Ogie Diaz ang video na kuha mula sa nakaraang mall show ng KathNiel bilang pasasalamat sa kanilang matagumpay na teleseryeng '2 Good 2 Be True'.

“Nakakaloka ‘yung sa Ayala Mall sa Manila (dahil) limang floors ‘yung inokopa ng fans para mapanood lamang sila, di ba? At itong DonBelle hindi naiiba at nalalayo kahit saan sila magpunta napakalakas nila sa mga tao. May advance screening sila sa Dubai, meron na rin sa Abu Dhabi at iba pang panig ng Middle East. Ganyan kamahal ng mga tao ang DonBelle,” pagkukumpara ni Ogie Diaz.

Hirit naman ni Tita Jegs, na tiyak maiinsecure na naman ang mga fans ng KathNeil dahil mukhang ka level na nito ang baguhang loveteam ng DonBelle.

“Naku, I’m sure marami na namang KathNiel fans ang mai-insecure diyan. Dapat isip-isip din ng bagong stratrgy para ma-sustain ang fame kasi kung hindi matatabunan sila ng DonBelle.” sey ni Tita Jegs.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo