Elijah Canlas called Miles Ocampo 'the one': 'Pag umibig ako, buong-buo po talaga

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Sparkle

 


Pinupuri ng followers ng radio program nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na "Cristy Ferminute" sa Radyo5 92.3 News FM si Elijah Canlas.

Isa ang aktor sa mga bisita ng CFM kaninang 1PM at habang pinag-uusapan nila ang pinakabagong pelikula ng aktor, ang suspense-thriller na "Livescream" ay marami ang nagpadala ng mensahe kay Cristy na binabati ang binata sa magandang pagganap nito sa TV5 series na "Blow to the Moon" kasama si Aga Muhlach.

Isa-isang binasa ng radio host ang mga mensahe na ikinatuwa ni Elijah. Hindi raw niya tinalo ang beteranong aktor na si Aga na nominado bilang best actor sa 27th Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore ngayong Disyembre.

Magaling na aktor ang binata kaya gustong malaman ni Romel Chika kung ano ang pinagkaiba ng drama sa suspense-thriller.

“Paano mo maihahambing ang treatment sa drama at suspense-thriller? Kasi pag drama dire-diretso lang kayo? Itong thriller pahinto-hinto kayo kasi mga effects?” tanong ni Romel Chika.


Singit ni ‘nay Cristy, “Naku Romel ang hirap-hirap ding mag-drama! Hindi kaagad-agad na nai-attack ‘yung pagda-drama, grabe! Lahat mahirap, di ba Elijah?”

Natawa ang aktor sa komento ng batikang manunulat.

“Pareho lang po ‘nay! Pareho lang pong mahirap pero may pagkakaiba din naman po kasi sa drama mas mentally exhausting, mas nakakapagod po emotionally,” saad ni Elijah.


“Itong horror po dahil (naman) sa kakasigaw sa mga torture (scenes) na pinagagawa sa akin sa pelikula. Mas nakakapagod physically na pagkatapos ng shooting, tulog na ako, bagsak na ako wala na akong makausap na ibang tao,” paliwanag pa ng aktor.

Nalaman din namin na maganda ang feedback ng mga viewers at ads sa "Blow to the Moon", kaya masaya ang TV5 management.

Samantala, inamin din ni Elijah na bukod sa kanyang mga magulang, nakadagdag sa kanyang inspirasyon ang kanyang girlfriend na si Miles Ocampo sa lahat ng kanyang ginagawa.

At diretsahan din niyang sinabi na 'the one' niya ang aktres nang tanungin ni Cristy kung si Miles ba iyon.

“Opo ‘nay! Hindi po ako papasok sa isang relasyon kung hindi ko p o iniisip ‘yan, so, very serious po ako. Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga ‘nay,” pagtatapat ni Elijah.

“Napaka=suwerte naman ni Miles!” sabi ni nanay Cristy.

Nabanggit din ni Elijah na talagang umakyat siya sa bahay ng dalaga at niligawan muna niya ang mga magulang dahil nag-iisang anak na babae at precious ito sa pamilya, kaya nangako siyang poprotektahan ang relasyon nila ni Miles.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo