Tila hindi na nakapagtimpi si Ellen Adarna at pinatulan ang komento ng isang basher sa kanyang ibinahaging update sa kanilang pagbabakasyon sa Peru.
Makikita sa ibinahaging larawan ni Ellen sa kanyang Instagram na may nakakabit na oxygen kay Derek Ramsay, matapos nitong makaranas ng altitude sickness. Ipinunto ng basher kung bakit nagawa pang tumawa ni Ellen sa kabila ng sitwasyon ng kanyang asawa. Tinawag pa nitong 'unbelievable' ang pag-uugali ni Ellen.
"Unbelievable. I understand that maybe that's her human nature, but what is your husband gone or going through is not a joke. How can you laugh on top of your lungs while your husband is suffering and chasing his breathe. Oh bless him."
Agad naman itong niresbakan ni Ellen at itinanong kung ano ang problema nito sa kanyang pagtawa gayung natatawa naman mismo si Derek.
"He was laughing at himself too so what's your problem? ! Are u the one taking care of him? No. God bless you and your judgments."
Nakaranas ng altitude sickness si Derek Ramsay matapos nilang magpunta ni Ellen sa mataas na lugar. Ibinahagi naman ni Ellen na tanging si Derek lamang ang naapektuhan ng altitude sickness.
Alam nman ng mag Asawa Ang Hangganan ng isat Isa...Kung puede pang tumawa o umiyak sila kapwa... Tama si Ellen Noh?
TumugonBurahin