Erik Santos Nagdadalamhati Sa Pagpan@w Ng Kanyang Nanay Lits!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng Kapamilya singer na si Erik Santos, ito ay ang pagpanaw ng kaniyang ina ngayong Biyernes, November 25.

“She is finally home with Jesus. 🙏🏻❤️ I love you so much, Nanay,” ayon sa Instagram post ni Erik kalakip ang larawan ng ina na si Angelita Ramos Santos.

Sa huling pagkakataon, muling ipinahayag ng singer kung gaano niya kamahal ang kanyang ina.

Agad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga malalapit na kaibigan ng singer sa loob at labas ng industriya.

“Yakaaaaaaap Erik. Nakikiramay kami, 💔💔💔” komento ni Yeng Constantino.

“Condolence, Erik. 🙏🏻 Sending love and prayers to you and the entire family,” pahayag ni Jed Madela.

“I am so sorry for mommy Angelita’s departure. I know how hard this is for you so I will pray that the Holy Spirit grant you the grace of peace in these rough times. I will see you on Monday, shayne and i will pay our respects to your mom,” komento ni Giselle Sanchez.

“My brother…. Hugs and prayers. Nakikiramay kami,❤️❤️❤️❤️” pakikiramay din ni Ogie Alcasid.

“I am so sorry for your loss, nakikiramay kami,❤️❤️❤️” komento naman ni Jaya.

Pumanaw ang ina ni Erik Santos sa edad na 66. Hindi naman ipinabatid ang naging sanhi ng pagpanaw nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo