Guesting Ni Ogie Diaz Sa Isang Show Sa All TV, Kanselado!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na nakansela ang kanyang guesting sa isang show sa All Tv.

Isa sana sa mga celebrity guest sa M.O.M Show sa All TV si Ogie Diaz ngunit nakansela umano ito. Ayon kay Ogie Diaz baka nagbago lamang line-up ng guest sa show sa All TV na sina Mariel Rodriguez, Ciara Sotto at Ruffa Gutierrez.

Nilinaw naman ni Ogie Diaz na hindi sumama ang kanyang loob sa kabila ng pagkakakansel sa kanyang guesting. Dagdag pa ni Ogie Diaz, masaya siya para sa kanyang mga dating kasamahan sa ABS-CBN na nabigyan ng trabaho sa bagong TV network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo