Herlene Budol Nilabas Ang Tunay Na Ugali Sa Uganda!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Halos hindi makapaniwala ang isang kababayan nating Pilipino sa Uganda sa ipinakitang ugali ni Herlene sa Uganda.

Isa ang Pinay content creator na kasalukuyang naka-base sa Uganda sa mga sumalubong sa representative ng Pilipinas para sa Miss Planet 2022 pageant. Dahil hindi pa nagsisimula ang mga activities ni Herlene para sa Miss Planet, ipinasyal niya muna ito sa Uganda.

Ayon sa kanyang post, sobrang napaka-down to earth ni Herlene at parang kapitbahay lamang sila sa kanti.

Isa sa kanilang napasyalan ay ang skwelahan roon, bagama't magkaiba ang wika hindi pa rin nito napigilan ang pagbibigay saya ni Herlene. Makikita sa mga ibinahaging videos na tuwang-tuwa ang mga bata sa pakikipagsayawan at pakikipagpalakpakan kay Herlene.

Samantala, nananawagan naman ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino. Humihingi ito ng tulong hinggil sa pagkasira ng national costume ni Herlene na susuotin sana sa Miss Planet International, National Costume competition.

Panawagan ni Wilbert Tolentino, "Guys, we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume. Na disgrasya ng Ethiopian Airlines. I need help! Today ang biyahe ng Interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana. We badly need it guys so please give us your entry through Comment Section. Thank you!"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo