Herlene Budol Pumunta Sa Kanyang Nanay Bering Para Magsumbong!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Muling ibinahagi ni Herlene Nicole Budol ang kanyang pagdalaw sa kanyang Nanay Bireng.

Ibinahagi ni Herlene ang mga snaps sa kanyang pagdalaw sa burol ng kanyang lola sa kanyang mga social media accounts.

“Nasumbong ko nang lahat kay nanay,” caption ni Herlene sa Instagram post.

Sa comment section naman ng kanyang post ikinuwento ni Herlene na ang kanyang Nanay Bireng na talaga ang sumbungan niya noong nabubuhay pa ito.

“Dati kasi siya yung sumbungan ko, siya yung nakikinig at naniniwala sakin. Ngayon I feel na hindi lang ako nawalan ng Lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan. Kaya kahit wala ka na sa tabi ko, alam kong ikaw pa din ang kakampi ko. Alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako nang safe.”

Matatandaang, naudlot ang pagsabak ni Herlene sa Miss Planet International dahil sa sunod-sunod na aberya sa pageant.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo