Isyu Ng Hiwalayan Nina Angel Locsin at Neil Arce May Katotohanan?

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang umano'y hiwalayan ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.

Labis na naguguluhan ang ilang mga netizens kung bakit nananahimik si Angel Locsin, hindi na ito nag-uupdate sa kanyang social media. Kamakailan lamang, lumabas ang nakakalungkot na balita na umano'y hiwalay na sina Angel Locsin at asawa nitong si Neil Arce.

Napansin ng ilang mga marites na noong nakaraang Agosto ang huling post ni Angel sa kanyang social media accounts. Maging si Neil Arce ay wala na ring paramdam sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nauna nang naiulat ang pagiging missing in action ni Angel Locsin sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo na dati naman ay ito ang nauuna. Kilala si Angel bilang real life Darna dahil sa pagtulong nito sa mga nasasalanta ng iba't-ibang kalamidad at palagi itong nangunguna sa pagtulong.

Subalit, sa naging Showbiz update nina Ogie Diaz at Mama Loi nilinaw nila na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu tungkol kina Angel Locsin at Neil Arce. Lalong lalo na ang isyu na naghiwalay na ang mga ito.

Ayon kay Ogie Diaz, masayang nagsasama ang dalawa kasama ang ama ni Angel Locsin. Mas pinili lamang umano ni Angel ngayon na manahimik at magpahinga sa social media.

Ayon pa kay Ogie sinusubukan ngayon ni Angel ang magpapayat ng katawan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo