Iwa Moto Naloka Sa Batang-Kalye Na Tumatanggap Ng G-cash!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Starstruck Season 3 first runner up winner na si Iwa Moto ang kanyang karanasan kamakailan matapos bumili sa isang grocery store.

Ayon kay Iwa, nagpunta siya sa isang  grocery store upang bumili ng kanyang mga kakailanganin. Ang dala lamang niya ay ang kanyang car keys at cellphone dahil e-wallet ang gamit niya sa pagbabayad.

Nang makalabas na siya sa store may tatlong batang nanghihingi sa kanya. Ayon sa kanyang pagsasalaysay, ang tatlong ito ay sina small, medium at large.

Nanghingi umano ito sa kanya ng pangkain at pamasahe para makauwi. Subalit dahil wala siyang dalang pera sinabi niyang wala siya dala. Subalit agad kinuha ng 'small' kid ang cellphone nito sabay sabing tumatanggap sila via G-cash.

Halos hindi naman makapaniwala ang aktres sa kanyang naranasang tumatanggap na pala ng G-cash ang mga pulubi.

@iam_iwa

Random hanash😝

♬ original sound - Iwa Moto

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo