Iza Calzado Hindi Magsasagawa Ng Gender Reveal Para Sa Kanyang Baby, Hindi Na Kailangan!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


Naitanong kamakailan sa aktres na si Iza Calzado kung may gagawin din ba silang gender reveal ng kanyang asawa para sa kanilang unang anak. Kagaya ng kadalasang ginagawa ng kapwa niya celebrities.

Ayon kay Iza,  “Sorry, it’s sex reveal. Gender is an expression, and we cannot reveal it.” 

Dagdag pa ng aktres na aksidente nilang nalaman ng kanyang mister ang kasarian ng kanilang anak.

“We already found out sex accidentally, so that takes out the point of a reveal for us, the parents. I see how this surprise can make other parents excited, and I appreciate and see the value in that. I have been to some sex or gender reveal parties, and it’s filled with so much joy and love!”  

Ayon pa kay Iza na mas pipiliin niyang ibahagi ang maayos na kalusugan ng kanilang anak kaysa sa pagsasagawa ng gender reveal na para sa kanya ay isang social and cultural construct.

Samantala, nilinaw naman ni Iza na hindi siya against sa mga taong nagsasagawa ng gender reveal. Aniya pa, ginagawa lamang ng mga ito ang sa tingin nila ay makakabuti sa kanilang mga anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo