Jed Madela Nainis Dahil Sa Paggamit Sa Kanyang Larawan Bilang Ads, Pinut0l Pa Ang Ulo!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


Hindi napigilan ang inis ng singer na si Jed Madela matapos tumambad sa kanyang ang isang ads ng isang clothing line.

Sa Facebook page ng singer ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa clothing line na kumuha sa kanyang litrato para gawing ad ng walang pahintulot.

Pinutol pa sa mga nasabing larawan ang ulo ni Jed Madela upang hindi ito mahahalatang si Jed Madela. Edited din maging ang kulay ng suit sa larawan nito bilang variations ng kulay sa mga ibinebenta nitong damit.

“Luh! I’m pretty sure this is me but I don’t remember endorsing this site or even wearing such colors. Geez. This was an OOTD shot for an outfit I wore in ASAP.🤨” dismayadong post ng singer.

Maging ang stylist ng Kapamilya singer na si Gian Carlo David Laxamana ay hindi rin pabor sa ilegal na paggamit ng larawan ng singer.

“Omg flattering but hell no!!!” reaksyon nito nang ma-tag ni Jed sa naturang post.

Agad naman itong umani ng mga komento at reaction mula sa mga netizens. May isa pang nagsabi na ang ginawa ng clothing line ay isang identity theft na may kaparusahan sa ating bansa.

“This offense, carries a maximum term of 15 years’ imprisonment, a fine, and criminal forfeiture of any personal property used or intended to be used to commit the offense,” sey ng commenter.

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang nasabing store hinggil sa reklamo ni Jed. Nalaman rin na hindi lamang ito ang gumagamit sa mga larawan ni Jed may ilan pang store na ganito rin ang gawain.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang larawan ni Jed Madela sa isang pekeng ads.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo