Jennylyn Mercado and Dennis Trillo Ipinakita Ang Mukha Ng Kanilang Baby Dylane Jayde!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Tila handa ng ibahagi sa publiko nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mukha ng kanilang prinsesa na si Dylane Jayde Mercado Ho.

Sa unang pagkakataon, ipinakita nina Jennylyn ang mukha ni Baby Dylane sa kanilang mga tagahanga. Matatandaang, noong kapapanganak ni Jennylyn ay nagbahagi si Dennis ng larawan ng anak ngunit hindi na ito nasundan pa.

"Sending kisses from our family to yours!" caption ni Jennylyn sa kanyang Instagram post. Kung saan tampok ang larawan nilang tatlo ni Dennis na nakasuot ng kanilang Halloween costume.

Agad namang na-excite ang kanilang mga tagahanga dahil sa wakas ay nasilayan na nila ang prinsesa nina Jennylyn at Dennis. Labis din silang humahanga sa angking ka-cutan ni Baby na ayon sa ilang mga commenter ay kamukhang-kamukha ng ama na si Dennis Trillo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo