Jessa Zaragosa Isinugod sa Hospital May Matinding Sakit Na Pinagdadaanan!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Jessa Zaragosa na isinugod siya kamakailan sa emergency room dahil sa pananakit ng kanyang tiyan.

Inakala umano ni Jessa na mawawala lamang ang sakit ngunit nang halos mamilipit na siya ay nagpasya na siyang magpadala sa hospital.

Agad naman umanong natukoy ng mga doktor ang sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan, Acute gastoentiritis with Mild dehydration.

Buti na lamang umano ay hindi pancreatitis ang sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan. Hinala din niya na isa sa mga nagpatrigger sa kanyang sakit ay ang kinain niyang pasta.

Samantala, kasalukuyang nagpapahinga si Jessa Zaragosa matapos ang pagkakahospital.

"Maiba naman na post. Ito hindi glamorous😅 Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka “Parang di ko yata kaya” 😅 Di ko na keri! So we went straight to the ER at Cardinal Santos. Turns out it was Acute gastoentiritis with Mild dehydration. Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit. As in. ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that.

Thank GOD, that was not the case. Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before😭 may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita. I’m home now, resting. Kakapanghinayang lang din, nacancel mga scheds na dapat kong tapusin😰 I have to get better first. Sana as soon as possible🙏🏻😫 Ang hirap magkasakit. Lesson learned; Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta." pagbabahagi ng singer sa kanyang Instagram account.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo