Kaganapan sa 18th Birthday Party ni Yohan Agoncillo!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


 Isang bonggang party ang inihanda ng mag-asawang Judy Ann Santos Agoncillo at Ryan Agoncillo para sa kanilang panganay na anak na si Yohan Agoncillo.

Noong November 7, 2022 ganap na tumungtong sa legal age si Yohan Agoncillo. Ngunit, nitong sabado lamang November 19, naganap ang bonggang debut party nito na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan.

Nagperform si Yohan ng isang bonggang dance number bilang kanyang entrance. Makikita namang labis na nag-enjoy si Yohan lalo na sa dance number nila ng ama kung saan sinayaw nila ang Dynamite ng BTS.

Hindi naman nagpakabog ang kanyang ina na si Juday at nagpakitang gilas din sila ni Yohan sa isa pang Tiktok Dance number.

Nag-alay din ng kanta si Ryan para sa kanilang panganay na maging si Juday hindi maiwasang maging emosyunal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo