KDLex LoveTeam Hinirang Bilang ‘Asia’s Most Promising Love Team for 2022’!

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng aktres na si Alexa Ilacad ang kauna-unahang natanggap na parangal nila ng ka-love team na si KD Estrada.

Hinirang bilang 'Asia's Most Promising Love Team for 2022' ang tambalang KDLex sa ginanap na 6th Asia Pacific Luminare Awards, sa Okada Manila.

Agad din naman itong nirepost ng aktor.

Tuwang-tuwa naman ang kanilang mga tagasuporta sa achievement na nakuha ng dalawa.  Umaani ang nasabing ng mga congratulatory messages mula sa kanilang mga malalapit na kaibigan at mga tagahanga.

Nagsimula ang tambalan ng dalawa nang magsama bilang celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition nitong taon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo