Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging Tiktok video ng dating Senator Kiko Pangilinan hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga sibuyas.
Kinumpara din niya ang presyo ng mga sibuyas dito sa Pilipinas at Australia. Ayon pa kay Kiko, presyo pa lamang ng sibuyas sa bansa ay talagang nakakaluha.
“Presyo pa lang ng sibuyas, mapapaluha ka na agad. Ang solusyon sa pagpapababa sa mahal na bilihin? Suportahan ang ating mga food producers — ang ating mga magsasaka at mangingisda,” caption ni Kiko sa kanyang Tiktok video.
“Galing lamang ako sa Australia the other week. Sa Sydney. Maniwala kayo sa hindi, ang isang kilo ng red onions ay ₱112. Dito sa atin, ₱250. Ang isang kilo ng white onions sa Australia ay ₱75. Dito sa atin, halos ₱200 mahigit, more than double, almost triple ang halaga ng ating sibuyas kumpara sa Australia.” sey ni Kiko sa video.
Nagbigay din siya ng solusyon kung paano magkakaroon ng murang pagkain sa bansa.
“And the solution is to support our producers—our farmers and fisherfolk. Kaya kung nais nating magkaroon ng murang pagkain, murang karne, murang gulay, bigyan ng todo-bigay na suporta sa ating mga farmers at fisherfolk.”
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na kinumpara ni Kiko Pangilinan ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas at sa ibang bansa.
@kiko.pangilinan Presyo pa lang ng sibuyas, mapapaluha ka na agad 🥲 Ang solusyon sa pagpapababa sa mahal na bilihin? Suportahan ang ating mga food producers — ang ating mga magsasaka at mangingisda.
♬ RAVE - Dxrk ダーク
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!