Kim Chiu, Certified Born Pink! Ibinahagi Ang Kanyang Best Night Ever!

Sabado, Nobyembre 5, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng actres-entrepreneur na si Kim Chiu ang kanyang masayang karanasan sa panonood ng kanyang paboritong K-pop supergroup na Blackpink sa concert ng mga ito sa Atlanta, Georgia.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kim Chiu ang kanyang labis na kasiyahan dahil napanood niya ng malapitan ang mga ito.

"No words!!!! SIMPLY THE BEST NIGHT EVER!!! BEST CONCERT EVER!!!! BEST GIRLS EVER!!! BEST SIDE TRIP EVER!!!! EVER NA SA LAHAT NG EVER!" caption ni Kim sa kanyang Instagram video post.

Sinabi rin ni Kim na worth it ang pagkakatayo niya sa loob ng mahigit walong oras dahil labis siyang nasiyahan sa concert. Kahit pa nilalabanan ni Kim ang jetlag ay wala siyang pagsisisi dahil labis siyang nag-eenjoy.

Matatandaang mula noon, ay proud nang ibinandera ni Kim Chiu na isa siyang Blink, tawag ng mga loyal fans ng Blackpink.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo