Kim Molina Hindi Pinalampas Ang Pambabast0s Sa Kanya Ng Isang Netizen!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Hindi nakapagtimpi si Kim Molina sa pambabastos sa kanya ng isang malisyosong netizen.

Ibinahagi ng isang netizen ang screenshot mula sa Tiktok video nina Kim Moolina at boyfriend niyang si Jerald Napoles. Sa nasabing video, sinagot ni Kim ang ilang mga katanungan ng kanyang fan.

Naitanong kay Kim, kung pinagawa pa niya ang kanyang hips. Tuwirang sagot ng komedyana na 'wala' at ang kaibahan nito ngayon ay epekto lamang ng kanyang pagpayat.

Ayon sa ibinahaging post ng netizen, “Naniniwala na po na (wala) sa hips… pero sa dibdib po, parang may pinagawa ka. Sana ma-demo mo rin….”

Hindi naman ito nagustuhan ni Kim at agad ni repost ang nasabing post ng mapanghusgang netizen.

Sey ni Kim Molina, “Hi, Sir. Takpan ko pangalan mo dahil ayaw kong maputakte ka ng tao. Sabihin mo mang joke lang ito tulad ng sagot mo sa subcomments, pasintabi sa mga nag-laugh react pero di ako natawa.”

Ipinagdidiinan din Kim na bagama't isa siyang public figure hindi niya papalampasin ang 'pambabastos' na ito ng netizen.

“I may be a public figure, but that does not give you the authority to demand and say things like this. I’m not a saint and I myself admit to doing silly gags online, I still DO NOT and WILL NOT tolerate men demanding and disrespecting women maliciously free on social media just because ‘you think you can.’

What we do in movies, tv, or characters we portray on screen are part of our jobs but still not entirely who we are as a person. At maliban sa pagiging artista, oo influencers rin kami na totoong tao sa vlogs at real talk sa podcast, it still saddens me to see people like you say and do whatever you want with our names kasi feeling mo safe ka sa likod ng keypad/keyboard,” sabi pa ng komedyana.

Ipinunto rin ni Kim na walang sinuman ang maaring manghusga sa anumang naisin ng isang tao, mapa-lalaki o babae man.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo