Komentong 'Plastikan' Ng Isang Netizen Inalmahan Ni Zeinab Harake!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Inalmahan ni Zeinab Harake ang komento ng isang netizen na umano'y nagpaplastikan silang tatlo ni Donnalyn Bartolome at Jelai Andres sa isang vlog upang humakot ng mga views.

Matatandaang, nagpost si Zeinab sa kanyang Facebook account at hinimok ang kanyang mga tagahanga na panoorin ang latest vlog ni Jelai. Kung saan magkakasama silang tatlo ni Donnalyn.

Agad na nagkomento ang isang netizen at sinabing nagpaplastikan lamang ang tatlo. Agad namang sumagot si Zeinab at sinabing walang plastikan na nagaganap.

"be walang plastikan kalmahan mo mas malala pa mga pinag daanan namin kesa sa sabaw issue na yan pero di namin iniiwan isa't isa alam mo bakit? abot namin mga ugali ng bawat isa kaya nga nag tagal kami bilang mag kakaibigan dba? at totoong sabaw yan si ate lai ako din naman at pare-pareho kaming sabaw totoo yun happy kana? nag explain nako ha."

Matatandaang naging mainit ang mga pangalan ng tatlo matapos ang rebelasyon ni Wilbert Tolentino tungkol sa umano'y totoong kulay ni Zeinab Harake naglabas din siya ng mga screenshots na nagpapakita ng mga pribadong messsages nila ni Zeinab.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo