Kris Aquino Hindi Pa Kayang Maglakad Ng Mag-isa! Mahina pa ang katawan.

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Isa sa naging paksa sa usapan nina Cristy Fermin at kanyang mga kasamahan sa Showbiz Now Na ang umano'y pag-uwi ni Kris Aquino sa Pilipinas sa darating na January 2023 kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Ayon sa pinakabagong update ni Cristy Fermin, nakatanggap umano sila ng isang tawag mula sa Amerika kung saan naroroon si Kris Aquino. Nais umano nitong iwasto ang mga impormasyon na nailabas nila sa kanilang episode ng vlog.

“Meron siyang gustong ikorek sa ating inilabas noong nakaraang episode at ang SNN po, ito pong ating programa ay bukas sa loob namin kapag may gustong ituwid an gaming kuwento ay wala namang masama.” sey ni Manay.

Tinanong umano sila kung bakit nila sinabing uuwi na si Kris Aquino sa darating na Enero 2023.

Ipinaliwanag naman ni Manay Cristy Fermin na hindi sila naglalabas ng mga balita kung hindi mula sa isang reliable source. Ayon pa kay Cristy Fermin may mga tumatawag at nagte-text sa kanilang mga sources hinggil sa kasalukuyang kalagayan ni Kris.

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga co-host na sina Rommel Chika at Morly Alinio. Isiniwalat din ni Manay Cristy Fermin na sinabi sa kanya ng tumawag mula sa Amerika na paano makakauwi si Kris gayung hindi pa ito nakakakain ng mga solids. In short, liquids lamang ang tini-take ni Kris.

Ayon pa rito ay mahinang-mahina pa si Kris Aquino at malabong makakauwi ito ng maaga sa susunod na taon.

Matatandaang nauna nang naibalita ang pagbuti ng kalagayan ni Kris matapos itong ipamalita ng isa sa mga kaibigan ng aktres-host.

Gayunpaman, anuman ang totoong kalagayan ngayon ng Queen Of All Media, dapat na lamang itong ipagdasal upang maka-uwi ito sa bansa na maayos ang kalagayan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo