Sa unang pagkakataon ipinaalam ng veteran award-winning singer-actress na si Kuh Ledesma ang tungkol sa mental health issues ng kanyang anak si Isabella Gonzalez.
Ayon kay Ledesma, labis na paghihirap ang kanilang naranasan ng ma-diagnose ng mga doktor ang Bipolar Disorder ni Isabella.
Ibinahagi rin ni Kuh Ledesma ang kanyang pagtulong bilang ina sa kanyang anak upang malagpasan nito ang pagsubok.
Pagbabahagi ni Kuh sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, “Hindi ko maalala how I felt that time but parang sumusunod na lang ako sa sister-in-law ko because my sister-in-law also was diagnosed as having bipolar disorder. I guess I felt na alam nila ang gagawin.”
Nahihirapan din umano ang kanilang pamilya na tanggapin ang mental issue ng anak lalo na't walang kasiguraduhan ang paggaling nito. Natatakot din umano siya na baka hindi makaya ng kanyang anak ang kondisyon.
Pagkukwento pa ni Kuh, “I don’t have any knowledge kung paano gumagaling ang tao sa ganyan, ‘yung mental illness, ang feeling ko ‘ganito na ba ang anak ko forever?’ Kasi ang sinasabi nila hindi nati-treat ang mental illness but now I realized it’s not true. Any kind of sickness or illness can be healed by the God of impossible.”
Ibinahagi rin ni Kuh na labis din na naapektuhan si Isabella sa nangyaring paghihiwalay nila ng kanyang asawa. Ipinunto din niya na sa paghihiwalay ng mag-asawa ang anak ang mas nahihirapan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!