Kumusta Na Si Kris Aquino? Dindo Balares Isiniwalat Ang Totoong Kalagayan Ni Kris Aquino!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Kasalukuyang nasa Los Angeles, California sina Kris Aquino at ang dalawang anak nito na sina Josh at Bimby.

 Sa nakaraang vlog ni Ogie Diaz, masaya niyang kinumpirm, bumubuti na umano ang kalagayan nito at kasalukuyang nagdadagdag ng timbang. 

Ayon kay Ogie, isa sa nakatulong sa pagbuti ng kalagayan ni Kris ay ang mga panalangin mula sa kanyang mga tagahanga na walang tigil na nagdadasal para sa kabutihan nito.

Samantala, ibinahagi rin ng kaibigan ni Kris na dating entertainment editor na si Dindo Balares sa kanyang social media accounts ang kalagayan ni Kris ngayon. Nagpadala din umano ito ng video sa kanya na nagpapakita na talaga bumubuti na ang kalagayan nito.

Subalit, hindi niya muna ito ibinahagi sa social media dahil wala pang pahintulot mula kay Kris.

“May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero ‘di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko."

Ibinahagi rin niya na sa kabila ng pagpapagaling nito ay nagnanais pa rin itong tulungan ang kanyang advocacy sa pagpapabalik ng nutrisyon sa lupa at sa iba pang farmers.

Pagkukwento ni Dindo, “Mula sa pag-uumpisa, laging updated si Kris sa experiments ko sa natural fertilizers. Aliw na aliw at napakalutong ng tawa niya nang malamang uminom ako ng ginawa kong lactic acid bacteria serum (isa sa fermented biofertilizers na ginagamit sa Korean Natural Farming)."

“‘Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs,’ sabi niya sa akin paglipat niya sa LA. ‘O, hayan ka na naman,’ sagot ko. “Nagpapagamot, e. Ikaw na muna. Ikaw naman na muna. ‘Wag na muna ang ibang tao," pagpapatuloy nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo