Kylie Padilla 'Lampake' Sa Pagpapapansin Ni Aljur Abrenica, Masayang Nakipag-Bonding sa Mga Elepante!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


 Hinihintay ng ilang mga marites ang magiging tugon ni Kylie Padilla sa mga pahaging ni Aljur Abrenica hinggil sa kanilang relasyon.

Unang hirit ni Aljur sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, na commitment at oras para kay Kylie at sa kanilang mga anak ang ire-regalo niya rito sa darating na pasko.

Sa panayam ding ito inamin ni Aljur na ang pinakamalungkot na paskong kanyang pinagdaanan ay noong unang pasko matapos nilang maghiwalay ni Kylie Padilla. Dahil hindi na umano niya nakasama ng buo ang kanyang pamilya.

Sa panayam naman ni Aster Amoyo, sinabi ni Aljur na hindi niya inaalis ang posibilidad na maari pa silang magkabalikan ni Kylie sa hinaharap.

Subalit, tila walang paki-alam si Kylie sa mga pinagsasabi ni Aljur. Noong November 19, masayang ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram account ang pakikipagbonding niya sa mga elepante.

“I’ll never forget this day. 19 nov 2022,” caption sa Instagram post ni Kylie kalakip ang mga larawan niya kasama ang mga elepante.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo