Leon, Julia, at Dani Barretto May Sweet Birthday Message Sa Kanilang Kasambahay!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ipinaabot ng sweet messages ng magkakapatid na Leon, Julia at Dani Barretto para sa kaarawan ng kanilang kasambahay sa kani-kanilang posts.

Makikita sa IG post ni Leon Barretto ang litrato nila ni Manang Nenay na 19 na taon na ring naninilbihan sa kanila.

"Happiest birthday to our Manang Nenay. She’s been in my life for almost 19 years. Will forever be grateful for her, thank you for taking care and loving us manang 🖤," caption ni Leon.

Agad namang nagkomento ang kanyang mga ate na sina Julia at Dani Barretto at binati rin ang kanilang yaya.

“Love you manang ninay!!!” sey ni Julia.

“Happy Birthday Manang!!!!! We love you!! ❤️❤️❤️” segunda naman ni Dani.

May mga natuwa naman sa pagbabati ng ito ng magkakapatid sa kanilang kasambahay na matagal na nilang nakakasama sa bahay.

Samantala, hindi maiiwasang may mga netizen na nagsabing mabuti pa raw ang house helper nila ay nagawang batiin ng magkakapatid na ito gayong ang ama nilang si Dennis Padilla ay “nagmamakaawa” pang batiin at nagpapansin sa kanila sa social media.

Ayon sa ilang mga commenter na tila ipinamukha talaga ng mga ito sa kanilang ama na wala itong halaga sa kanila. Mas mabuti pa umano ang kasambahay ay hindi nalilimutan ang kaarawan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo