Umalma ang film actor, model at digital creator na si Lharby Policarpio sa malisyusong tweet ng isang netizen. Kung saan iniisip nitong ang nararanasang marangyang lifestyle ay dahil sa pagkakaroon umano niya ng 'sugar daddy'.
Sa isang mahabang post ipinahayag ni Lharby na dapat nang itigil ng kanyang mga kababayan ang ganitong pagp-uugali.
Nilinaw din niya sa kanyang post ang pinagkukunan niya ng income bilang isang content creator at ang pagkakaroon niya ng ilang mga modeling projects at pagkakasali niya sa pelikula.
Itinama na umano niya ang pahayag na ito ng netizen dahil baka pagdating ng panahon ay mayroon nang maniniwala sa kalokohang ito.
Pinayuhan din niya ang basher at sinabing walang magandang maidudulot sa sarili ang inggit.
"Walang mararating ang insecurities at inggit nyo sa mga taong nakikita nyo. Try growing and do your best sa buhay nyo so you guys can buy the things you like and travel to your dream destinations. Para di na kayo mainggit."
Sa huli hiniling ni Lharby na saan hindi pagdaanan ng pamilya ng kanyang basher ang ginawa nito sa kanya.
"You know what? I’m so blessed to be surrounded with good people. Just a piece of advice, I really believe that if you’re good to people, the universe will pay you back double or triple the amount you gave. You will also earn respect, happiness, and love, which is something you people obviously lack. 😗 I wish you people learn to have a good life, learn how to respect, and to have a successful career. I truly hope you all, your family, and your friends won’t encounter small minded people like how you guys are and won’t experience the same disgust and disappointment I feel right now. That’s all. Larbsyu!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!