Lolit Solis Feeling Inuulan Ng Good Karma!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang mga natanggap na pagmamahal at tulong mula sa ilang mga celebrities para sa kanyang pagpapadialysis.

Ayon kay Manay, feeling niya isa siyang charity patient sa dami ng nagpapaabot sa kanya ng mga love letters at pledges para sa kanyang pagpapadialysis. Ibinahagi rin ni Manay na sa bawat press conference na napuntahan niya ay may nagpapaabot ng love envelop sa kanya.

Sa kanyang Instagram post ibinahagi niya kung sino ang mga nagpaabot ng tulong sa kanya. Tulad na lamang umano kina Toni Gonzaga, Alex at Mommy Pinty. Maging ang magpartner na sina Jomari Yllaga at Abby Viduya ay nagpaabot rin ng tulong para sa kanya.

Maging ang President at CEO ng Beutederm na si Rhea Tan ay tumawag umano sa kanya upang hingin ang kanyang Gcash number upang makapagbigay ng tulong dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa.

Nauna na rin ibinahagi ni Manay ang tulong pinansyal na ibinigay sa kanyang ni Gretchen Barretto.

“Feeling ko tuloy talagang may fund raising para sa akin… Ito siguro ang sinasabi nila na good karma Salve at Gorgy.” ani Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Labis namang nagpapasalamat si Manay sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagmamahal at tulong pinansyal sa kanyang pagpapadialysis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo