Lolit Solis, Hindi Pa Rin Nakaka Move on Sa Mga Naiingit Sa Kanya!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Muling nagpahayag si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account na hindi pa rin siya nakakaget-over sa mga taong labis na naiinggit sa kanya.

Hindi naman nito pinangalanan kung sino ang mga tinutukoy niyang inggitera sa showbiz na pinapasaringan niya sa kanyang mga Instagram post. Ngunit hinuha ng ilang mga netizens na may kinalaman na naman ito kay Shirley Kuan at Bea Alonzo.

Matatandaang labis na inalmahan ni Manay Lolit Solis ang naging pahayag ni Shirley na isa siyang bully at bastos.

Ayon kay Manay, hindi pa rin siya nakaka get-over sa disappointment na nararamdaman dahil sa mga inggetera sa showbiz. Sa kabila ng paglaganap umano ng pandemya ay inggit pa rin ang laman ng utak.

Pasaring pa ni Manay, “Ewan ko kung bakit meron parin discontented na tao na hindi maligaya sa kung ano meron siya, at naiinggit parin sa tinatanggap ng iba.”

Ipinunto rin ni Manay na contentment is the key to happiness. Dapat umanong tanggapin kung ano man ang mayroon ka at huwag nang maghanap ng iba.

Mali din umano ang pagiging ambisyosa at makuntento na sa buhay. Mas masaya umanong mabuhay kapag walang kinaiingitan at nakukuntento sa kung anoman ang mayroon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo