Lolit Solis May Sey Sa 'Relasyon' Nina Ria Atayde At Zanjoe Marudo!

Sabado, Nobyembre 5, 2022

/ by Lovely

Lolit Solis nagbigay ng opinyon hinggil sa napapabalitang 'relasyon' nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Matatandaang naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang napapabalitang relasyon at engagement ng dalawa ilang buwan na ang nakakalipas.

Ayon kay Manay Lolit Solis, walang masama kung sakaling totoong may namamagitan sa dalawa dahil pareho naman silang single. Nababagay din sila sa isa't-isa kanyang pananaw at tila ok naman din umano kay Sylvia ang kanilang relasyon.

“Mabait na anak si Ria Atayde kaya palagay ko na guide na mabuti ng mga magulang para sa isang magandang relasyon na papasukin. Hindi basta papasok ito sa isang relasyon ng hindi handa. Mukha naman mabait at very responsible si Zanjoe Marudo, kaya kung talagang sila na ngang dalawa, why not,” say ni Manay.

Hiling din ng veteran showbiz columnist na sana'y maging totoo ang chismis na magpapakasal ang dalawa. Hinihintay din umano niya magiging kahihinatnan ng kanilang relasyon.

Samantala, nauna ng nilinaw ng ina ni Ria Atayde na si Ms. Sylvia na wala pang namamagitan sa dalawa at nasa 'dating stage' pa lamang. Tinawanan lang din nito ang tsismis na nagbubuntis ang kanyang anak at binabahay na ni Zanjoe.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo