Lolit Solis Sinabing Sinayang Ng Network Ang Talento Ng Kanyang Alaga Na Si Paolo Contis!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely

 


Hindi lubos maintindihan ni Manay Lolit Solis kung bakit sinayang ng TV network ang isang magaling na talento na kagaya ni Paolo Contis.

Muling nagbahagi sa kanyang Instagram account si Manay Lolit Solis ng update kung saan binanggit niya ang kanyang alagang si Paolo Contis. Puring-puri din ni Manay ang galing ni Paolo bilang isang inosenteng bata.

Kaya umano ni Paolo ang lahat ng ibinibigay na roles rito at napakaprofessional din umano nito sa trabaho. Kaya naman nagtataka siya kung bakit sinayang ito ng GMA7. Hiling pa ni Manay na imbestigahan ito.

"Sa lahat ng anak alaga ko Salve isa si Paolo Contis sa mga love ko. Alam mo ba kung bakit ? Kasi may innocence siya of a child, iyon bang parang bata na sumusunod lang , nagtatampo pag pinagalitan pero hindi kumikibo at nakikinig lang. Magaan siya kasama dahil hindi mapaghanap, at very professional ang approach niya sa lahat ng bagay. Meron siyang inner intelligence at wisdom kaya pag nagsalita talagang may sense. All around acting ang kaya niya, drama, comedy, character acting, bida kontrabida. Lahat napapakisamahan niya, wala siyang problema pagdating sa pakikisama. Kaya naman isa siya sa pang matagalan pagdating sa showbiz ang pag uusapan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinasayang ng GMA7 ang talent niya considering na isa siyang Sparkle star. At iyon star aura ni Paolo mas higit pa nga kesa sa isang star na nanggaling sa kabila. Ewan ko kung bakit , pero talagang nahiwagaan ako Gorgy at Salve. May something kaya duon sa lumipat at parang isang big star ang turing sa kanya ? Investigate please"

( Hide )
  1. One of a kind c Paolo talaga.. kung di na cya feel Ng Kapuso, bumalik cya sa Mother Network nya Ang Kapamilya since dun Naman cya nanggaling talaga

    TumugonBurahin
  2. Marahil hindi ikinatuwa hindi kinunsinti ng GMA ang pag-iwan niya sa kaniyang mag-iina. Malakas ang loob ni Paolo kasi kumikita siya, ano na ngayon kaya ang kalagayan niya ?

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo