Luis Manzano at Jessy Mendiola Hiling Ang 'Long Life' Para Vilma Santos!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely

Ibinahagi ng celebrity couple na Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang natatanging hiling para sa inang si Vilma Santos na nagdiwang sa kanyang kaarawan noong November 3.

Makikita sa ibinahaging vlog ni Ate V na present ang mag-asawa sa ginawa nilang intimate dinner bilang celebration ng birthday niya.

Ibinahagi ni Luis Manzano, na wala siyang ibang hiling kundi ang long ang healthy life para sa kanyang ina.

“Ang wish ko naman kay Momsky as always long life and healthy.”

“Ngayon kapag sinasabi kong long life, dahil may parating na bagong blessing sa pamilya. Para matagal, masaya at happy ang mga kasama ng ating Peanut sa pamilya,” pagpapaliwanag pa ng host.

Ito rin ang hiling ni Jessy Mendiola para sa ina. Sinabi rin nito na maswerte ang kanilang anak ni Luis na magkaroon ng Lola na katulad kay Vilmas Santos.

“Nakaka-excite kasi parang birthday gift kay Momsky ang pagakakaroon ng baby Peanut. We’re very, very happy. Ngayon pa lang, sasabihin ko na na sobrang blessed ni Peanut magkarooon ng grandma tulad ni Momsky. Excited po ako dun,” sey ni Jessy.

Kasalukuyang nasa 8 months pregnant si Jessy sa first baby nila ni Luis Manzano.

Nauna ng ibinahagi ni Vilma ang pagkakaroon ng long covid sa kabila ng kanyang ibayong pag-iingat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo