Luis Manzano Kinakabahan Baka Maging Kamukha Niya Si Baby Peanut!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely



Ibinahagi ni Luis Manzano ang kanyang pangangamba na magiging kamukha niya ang unang anak nila ng misis na si Jessy Mendiola.

Nagbahagi si Luis Manzano ng larawan niya na nakasuot ng isang wig na may ribbon. Humingi ng paumanhin si Luis sa kanyang misis sakaling magiging kamukha niya ang kanilang anak.

"Kinakabahan ako na baka ganito itsura ni Peanut, ngayon palang, sorry @jessymendiola wowow if ever." pabirong caption ni Luis sa kanyang Instagram post.

Agad namang nagbigay ng nakakatuwang komento ang ilang kasamahan ni Luis sa showbiz at sinabing sana nga ay sumipa ang dugo ni Jessy. Tila marami na rin ang kinabahan.

Samantala sa kamakailang vlog ni Jessy, masaya niyang ibinahagi ang 4D ultrasound result kung saan maaninag na ang physical features ng kanilang Baby Peanut.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo