Maine Mendoza Hindi Na-apektuhan Sa Intense Ride Nila Ni Arjo Atayde!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


Kinatutuwaan ng mga netizens ang ibinahaging video clip ni Maine Mendoza sa kanilang bakasyon ng kanyang fiancee na si Arjo Atayde.

Makikita sa nasabing video ang pagsakay nila sa roller coster. Tila si Arjo Atayde lamang ang naapektuhan sa intense ride at sigaw ng sigaw.

Samantala, si Maine ay nakapoker-face lamang at tila makikita pang hindi siya apektado sa ride. Maypahikab pa ito na tila inip na inip nang matapos ang ride.

Nang patapos na ang rid doon pa lamang tumawa si Maine Mendoza. Agad namang natuwa ang kanyang mga tagahanga dahil ayon sa kanila hindi pa rin nagbabago ang actress.

Kilala si Maine Mendoza sa pagiging palabiro nito na nakapagbibigay ng goodvibes sa mga netizens. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo