Maine Mendoza, Nilinaw Ang Totoong Relasyon Nila ni Alden Richards!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Lovely


 Inamin ni Maine Mendoza sa panayam sa kanya ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na personal niya mini-message ang kanyang mga tagahanga na nagtatanong tungkol sa katotohanan ng kanilang relasyon ni Alden Richards.

Sinabi naman ni Ogie Diaz sa interview na nakikita niya sa katauhan ni Maine na ayaw magpaasa sa ibang tao lalong lalo na sa kanyang mga tagahanga.

Sinagot naman ito ni Maine at sinabing masama naman ang magpaasa sa kapwa. Ayaw din umano nitong manloko ng ibang tao para lamang sa kasikatan at pera.

Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Maine na may mga tagahanga pa rin siyang naniniwalang totoong may relasyon sila ng aktor na si Alden Richards. Paniwalang-paniwala ang mga ito na ikinasal siya kay Alden at nagkaroon na sila ng isang anak.

Matagal na umano niyang nililinaw sa kanyang mga tagahanga na walang namamagitan sa kanila ni Alden at pawang kathang isip lamang at for the show lamang ang kanilang ginagawa sa Kalye Serye noon sa Eat Bulaga.

Sa kabila nito, may ilan pa rin na pinipilit na sila ni Alden at sa tuwing mine-message niya ang mga tao ay iniisip na admin lamang ng page ang nag-message.

"Pero Mama Ogs, ang reply nila sakin, 'Hindi si Maine yan. Admin yan ng account ni Maine. May asawa na si Maine, may anak na si Maine.' Parang umabot na lang din po ako sa point na, 'Nakakapagod na mag-explain."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo