Maja Salvador Isa Na Lamang Extra sa The Iron Heart!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Matapos sumakabilang bakod ng Kapamilya star Maja Salvador matapos mawalan ng franchise ang ABS-CBN, muli itong nagbabalik at makakasali sa inaabangang action-drama pack teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang The Iron Heart.

Subalit, hindi gaganap bilang lead role si Maja kundi isa lamang special participation. Kaya naman tanong ng ilang mga netizens, bakit siya pumayag na ganoon lamang ang role. Matatandaang nakilala si Maja bilang isang magaling na bida sa mga hit series ng ABS-CBN.

Sa naganap na media conference para sa teleseryeng The Iron Heart, binigyan ng sagot ni Maja ang kanyang pagpayag sa gagampanang 'extra' role sa ABS-CBN. Isiniwalat niya na madali lamang siyang napapayag ng Star Creatives na tanggapin na maging parte ng The Iron Heart na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Aniya, "Madali lang ako napapayag. Of course, it's under Star Creatives. Ang dami ko na nagawang magagandang shows sa Star Creatives kagaya na lamang ng Legal ife, Bridges of Love. Iba yung alaga sakin ng Star Creatives family."

Dagdag pa ni Maja Salvador, "Hindi siya bago sakin pero sobrang importante ito because it's ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo