Maja Salvador Isa Sa Mga Casts Ng The Iron Heart Kasama Sina Richard Gutierrez at Sue Ramirez!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Lovely

 

Muling nagbahagi ng mga 'pasilip' mula sa set ng Iron Heart ang Star Creatives kung saan makikita sina Maja Salvador at Richard Gutierrez na tila may relasyon. Nauna nang naiulat na makakasama rin sa cast si Sue Ramirez,  kaya naman hinuha ng lahat na magiging love triangle ang mga ito.

Sa mga larawan naibahagi makikita ang iba pang cast ng teleserye na sina, Jake Cuenca, Albert Martinez, Diether Ocampo, and Enzo Pineda.

Labis itong inaabangan ng lahat dahil sa mga bigating actor at actress na kasama sa nasabing teleserye.

Samantala, tila hindi makapaniwala ang ilang mga netizens na kasama sa casts si Maja Salvador dahil wala naman ito sa ABS-CBN at kasalukuyang nasa bakod ng GMA7.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo