Maricar Reyes Hindi Pa Rin Napapatawad Ang Mga Taong Sumira Sa Buhay Niya!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Nitong nagdaang buwan, ibinahagi ng aktres na si Maricar Reyes ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang mahirap na karanasan noong kasisimula pa lamang niya sa showbiz.

Sa latest upload ni Toni Talks, tampok ang face to face interview ni Toni Gonzaga kay Maricar Reyes.

Naikwento ni Toni na sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Maricar ay agad niyang  naiisip ang aktres bilang magaling na aktres na madaling umiyak.

Ibinahagi naman ni Maricar ang pagkakadiscover sa kanya ni Mr. M ang dating head ng Star Magic.

Samantala, idinetalye ni Maricar ang nangyari noong 2009 kung saan nasangkot siya sa isang scandal.

Pagkukwento ni Maricar, labis siyang masaya sa mga panahong iyon dahil sunod-sunod ang kanyang projects at nakasama pa siya sa main cast ng seryeng, Lover's in Paris. Kasalukuyang tinitaping na umano ang nasabing serye.

“I just came from taping I would straight go to the race, nag race ako tapos maganda ‘yung time ko tapos ang saya-saya. Parang every was looking good biglang hatak (pabalik),” panimula ni Maricar.

Nalaman umano niya ang tungkol sa scandal dahil sa pagtawag ng isang kaibigan.

“Friend ko siya from the gym. Nagdyi-gym ako no’n for the triathlon, sabi niya, ‘uy may nakita ako sa tabloid, hindi ko alam kugn totoo. Alam mo ba ‘to?’ Sabi ko, ‘hindi ‘yan, ito talaga kasama ng showbiz. Tapos nu’ng agent ko na ang tumawag, ‘Maricar merong ano… I had to watch it to make sure if it’s you.”

Habang nakahawak umano siya sa phone ay iba na ang pakiramdam niya na parang nasa pelikula na may cue music. 

"Parang nag-quiet lahat ng paligid, siguro kasi it’s still in denial? May disbelief?” sambit nito.

May parte umano sa kanyang na umaasang hindi totoo ang lahat. Inamin din ni Maricar na labis siyang na trauma at na-depress dahil sa karanasang iyon sa kanyang buhay.

Nagalit din umano siya sa lahat, ang mga nakapanood, mga nagkomento at humusga sa kanya. Inisip niya na sira na ang kanyang buhay. To the point na naisip niyang kitilin ang kanyang sariling buhay.

Ayon kay Maricar, sa tulong mga taong nasa paligid niya nalampasan niya ang pagsubok na iyon sa kanyang buhay at tuluyang makapag move on.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo