Mikee Cojuangco Inalala Ang Pag-Aaway Ng Dalawang Aktor Sa Panliligaw Sa Kanya!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Muling inalala ng actress ang athelete na si Mikee Cojuangco-Jaworski ang dalawang aktor na nanligaw sa kanya ilang taon na ang nakakalipas.

Ibinahagi ni Mikee ang hindi niya malilimutang karanasan sa kanyang dalawang manliligaw habang nag-dudubbing siya sa isang studio.

Ayon kkay Mikee hindi niya malilimutan ang pag-aaway ng dalawa ng mapang-abot sa pinagtatrabahuan niyang studio. Pareho umanong may trabaho sa kalapit ang dalawa kaya naisipan ng mga itong bisitahin siya.

Wala umano siyang kaalam-alam sa mangyayari dahil wala pa naman umanong cellphone sa panahong iyon. Nagulat na lamang siya ng may nagsabi sa kanila sa loob na may nag-aaway sa labas.

Nilabas umano niya ang dalawa at direktahang sinabihan na nakaka-istorbo sila at hindi siya natutuwa. Doon din umano mismo binasted niya ang dalawa dahil hindi naman niya type ang mga ito. Hindi rin uamno siya kinikilig sa dalawa. Para sa kanya, aksaya lamang sa oras ang pag-eentertain sa ganoong klaseng tao.

“And I was like so sweet naman, I said it naman so nice. I was like ‘Kasi hindi naman ako natutuwa,’ sabi ko. ‘Kung gusto niyong mag-away, okay lang. Pero siguro useless na pag-awayan niyo ako kasi hindi naman ako pipili ng kahit isa sa inyo.’ I literally said that,” aniya.

“‘Well hindi ako kinikilig at hindi ako natutuwa. At nag-aksaya kayo ng oras ko. Alam n’yo naman na nagte-training ako. Ano ‘to? Five minutes na ako nandito nakikipag-usap sa inyo. That’s five minutes more of sleep that I could have gotten before I train,” dagdag pa ni Mikee sa dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo