Miss Earth Swimsuit Competition Nilait Ng Mga Thai Pageant Fans!

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


 Inokray at pinagtawanan ng mga Thai pageant fans ang naganap na Miss Earth Swimsuit competition sa Zamboanga kagabi.

Dahil sa malakas ng pagbuhos ng ulan at malakas na hangin na humagupit sa stage, naglagay na lamang ang mga organizers ng mga tolda upang hindi mabasa ng ulan ang mga kandidata.

Agad namang nagbigay ng reaksyon ang ilang mga Thai fans at sinabing ito na ba ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na bonggang stage para sa competition. Hindi din umano iniisip ng mga organizers ng Miss Earth ang kaligtasan ng mga kandidata. Tinawag din nilang cheap naman ng major competition na ito.

Napaghahalataan din umanong kulang ito sa budget kaya hindi muna ipinagpaliban ang kompetisyon sa kabila ng pagsusungit ng panahon.

Ikinumpara pa ng iba ang production ng Miss Earth sa naganap na production ng Miss Grand International na pagmamay-ari ng isang Thai na si Mr. Nawat. Walang-wala umano ang gawang pageant ng Pilipinas kaysa sa kanilang gawa.

Agad namang ipinagtanggol ng ilang mga Ms. Earth contestants ang naganap na swimsuit competition. Ayon kay Miss Belarus, walang nakaka-kontrol sa panahon. Ipinunto rin nito na ang paglaban sa kalikasan ang kanilang ipinunta roon at handa umano sila sa anumang hamon mula sa kalikasan.

Ang Miss Earth ay pagmamay-aring pageant ng Pilipinas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo