Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Miss Planet International organization kasunod ng pag-atras ng ilang mga kandidata sa darating na pageant.
Nitong Sabado, November 12, 2022 opisyal na naglabas ng pahayag ang Miss Planet International sa isyung kanselado na ang pageant.
“Contrary to unconfirmed reports regarding the cancellation of the pageant, the show will go on as planned. Yes there has been a few challenges due to some delays beyond our control that led to program adjustments, but a lot of effort has been put to ensure that everything is streamlined and candidates are safe and sound,” saad sa opisyal na pahayag mula sa Miss Planet International Director na si Monica Aketch.
Matatandaang naunang nagbigay ng pahayag si Wilbert Tolentino, talent manager ng kandidata ng Pinas at National Director ng Miss Planet na nagkaroon ng mga aberya ang Miss Planet kabilang na ang mga nag-aatrasang sponsors.
Maging si Herlene Budol, ang alaga ni Wilbert Tolentino ay umatras na rin sa kompetisyon dahil tila wala umanong balak ang pamunuan ng Uganda na magbigay ng tulong sa aberya ng Miss Planet.
Samantala, nangangako ang Miss Planet na titiyakin na nila na hindi muling magkaroon pa ng aberya sa gaganaping kompetisyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!