Most Inspiring Actor Award Ni Andrew Schimmer Inaalay Para Sa Kanyang Asawa!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


Personal na tinanggap ni Andrew Schimmer ang kanyang award bilang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia- Pacific Luminare Award na ginanap noong November 23 sa Okada, Manila.

Bagama't marami ang nagsasabing deserve ni Andrew Schimmer ang natanggap na award tila hindi pa rin umano makapaniwala na sa dinami-raming actor ay siya ang napili.

Agad ding ibinahagi ni Andrew na inaalay niya sa kanyang asawang si Jorhomy ang natanggap na parangal.

Matapos niyang matanggap ang trophy agad siyang dumiretso sa hospital kung saan naka-confine ang kanyang asawa na si Jho.

"Para sa'yo to Love ko, kaya ako may award," pahayag ni Andrew.

Matatandaang, nauna nang ibinahagi ni Andrew na nakalabas na sa ICU si Jho at nailipat na sa regular room. Patuloy na rin umanong nag-i-improve ang kalagayan nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo