Nadine Lustre Nais Muling Makatambal Ang Ex-Boyfriend Na Si James Reid!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


Walang nakikitang problema ang aktes na si Nadine Lustre sakaling magkakasama silang muli ng dating ka-loveteam at exboyfriend na si James Reid sa iisang project.

Sa naganap na presscon sa pelikula ni Nadine Lustre na Deleter, isa sa Metro Manila Film Festival 2022 entry. Naitanong kay Nadine kung maari pa ba silang mapanood sa isang project na magkasama ng kanyang ex-partner na si James Reid.

Agad naman itong sinagot ni Nadine, “We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway.”

Ibinahagi din ni Nadine ang kanyang nadaramang excitement sa kauna-unahan niyang full lenght horror film. Ayon pa kay Nadine matagal na niyang pinapangarap na makagawa ng isang horror film.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Nadine Lustre sa mga JaDine Fans na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na sila ni James ang magkakatuluyan sa huli.

“2023 na po. It’s time for us to start a new chapter,” maikling pahayag ni Nadine.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo