Nas Daily, Magsasagawa Ng ‘Meet-and-Greet’ Sa Pinoy Fans!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinalita ng Arab-Israeli vlogger na si Nas Daily na magkakaroon siya ng meet-and-greet event para sa kanyang mga tagahanga. Gaganapin ang meet-and-greet sa New Frontier Theather sa Cubao Quezon City sa darating na weekend.

Inanyayahan ni Nas Daily ang kanyang mga tagahanga sa malaking meet-and-greet event nila.

“Hello from Manila!! I want to meet all of you in person! I’m hosting my biggest ever meetup. And you’re invited. It’s going to be at New Frontier Theater this weekend!!” paanyaya ni Nas sa lahat ng kanyang mga tagasuporta sa bansa.

Marami naman sa kanyang mga tagahanga ang natuwa sa balita.

Matatandaang nasangkot sa isang kontrobersiya si Nas Daily hinggil sa Whang Od Academy matapos magreklamo ang apo ni Whang-Od na si Gracia Palicas. Nagsalita rin laban sa Nas Academy ni Nas Daily ang ama ng United Nations Environment Programme. Dahil sa mga kinaharap na kontrobersiya pansamantalang nahinto ang Nas Academy.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo