Ogie Diaz Hinamon Ang Mga AlDub Fans Na Ilabas Ang Anak Nina Maine Mendoza at Alden Richards!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagtimpi ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz sa pamimilit ng ilang mga AlDub fans sa umano'y pagkakaroon ng anak nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa tweet ni Ogie Diaz, ibinahagi niya ang video ng isang Aldud fan na nagsasabing may anak na ang dalawang celebrities na tinatago lamang nila. Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng pabuya na nagkakahalagang 100,000 thousand pesos sa makakapagpalabas ng ebidensyang totoo ang sinabi nilang 'anak'.

Dagdag pang tweet ni Ogie na magbibigay siya ng 150000 sa magpapatunay na may apo na ang AlDub.

Sa video sinasabi ng isang fan na hindi dapat magalit ang mga Aldub fan dahil totoong may anak na sina Alden at Maine na tinatago lamang nila dahil sa mga proyekto. Ayon sa nasabing fan na matatalino sila kaya nalaman nila ito.

Matatandaan na nilinaw na ni Maine Mendoza sa lahat na walang namamagitan sa kanila ni Alden ngunit tila hindi pa rin nakaka-move on ang mga Aldub Nation at patuloy na umaasa na totoo ang ipinakita nila sa 'Kalye Serye' noon sa Eat Bulaga.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo