Nagbigay ng diretsahang pahayag ang talent manager at showwbiz columnist na si Ogie Diaz hinggil sa isang mensahe mula sa politiko na ibinahagi sa Instagram stories nito.
Mensahe ni Ogie Diaz, “We can only do so much. Nasa inyo ang powers, ang impluwensiya, ang pondo, ang authority– gamitin n’yo sa tama, sa ayos, sa karapat-dapat. Nang buong katapatan. In that way, di natin kailangang ipagmalaki ang ating bansa. Mararamdaman nila yon kasi mga tamang tao kayo para diyan sa mga posisyon na ipinagkatiwala sa inyo ng taumbayan.”
Sinabi rin ni Ogie na hindi na kailangan pang pagandahin ang imahe ng Pilipinas dahil mararamdaman naman umano iyon ng lahat. Wala rin umanong political color kapag inuunang isipin ng mga pulitiko ang, Bayan muna bago sarili.
Matatandaang nanawagan si Sen. Miguel Zubiri sa lahat. Ayon sa kanya, “I appeal to the media, tulungan niyo naman kami na pagandahin ang imahe ng Pilipinas. Katulad noong Percy Lapid na ‘yan, nahuli na nga ‘yung bumaril at mahuhuli na nga ‘yung mastermind. Tumulong naman kayong i-announce ‘yan sa buong mundo.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!