Pagbati ni Luis Manzano kay Billy Crawford Kinaaliwan Online!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Itinanghal bilang grand winner sina Billy Crawford at ang partner na si French dancer Fauve Hautot sa grand finals ng “Danse avec les stars (Dance With The Stars)” sa France.

Naganap ang  grand finals ng “Danse avec les stars (Dance With The Stars) nitong Biyernes ng gabi, November 11 sa France, at Sabado naman ng umaga dito sa Pilipinas noong November 12.

Agad namang nagpaabot ng pagbati ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz. Maging ang kanyang mga tagahanga ay labis din nasisiyahan sa achievement ni Billy. 

Agad din nagpost ng pagbati ang dating kasamahan ni Billy sa Abs-cbn na si Luis Manzano. Ayon sa Instagram post ni Luis, “Congrats @billycrawford for winning Dancing with the stars! Proud of you!”

Ngunit napatitig ang mga netizens sa larawang ibinahagi ni Luis dahil throwback ito. Ito pala ang kanilang mga  “doppelgangers”. 

Matatandaan na nagkasama bilang co-hosts sina Luis Manzano at Billy Crawford sa “Pilipinas Got Talent” (PGT) ng ABS-CBN.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo